Nakitaan na ng pagbaba ang presyuhan ng itlog sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Kung dati nasa P 8.50 ang small size ngayon makakabili na ng P7 habang 10 pesos ang pinakamalaking size ang mabibili sa Calasiao Public Market.
Ayon sa ilang egg vendors unti-unti nang bumababa ito kumpara sa mahal na presyo nitong nagdaang mga buwan.
Nananatili namang matatag ang suplay ng itlog sa merkado hanggang sa kasalukuyan bagamat ilang mga egg vendors, naniniwalang baka magkaroon umano ng kakulangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments