Nanatiling mataas ang presyo ng karne ng baboy at manok sa merkado. Pumapalo ng ₱340-360 ang kada kilo ng karneng baboy, samantalang ₱180 kada kilo naman ang manok.
Ayon sa ilang mga meat vendors sa Malimgas Public Market, sila ay nahihirapan sa pag-angkat ng supply ng karneng baboy, kaya’t hindi mapigilan ang pagsipa ng presyo nito. Ang iba, ayon sa kanila, ay nagmumula pa sa lalawigan ng Mindoro, kaya’t mataas din ang freight expenses nito.
Pagsisiguro naman ng Provincial Veterinary Office o OPVET, na walang magiging problema sa produksyon nito sa lalawigan dahil sa mga hakbang na security measures na kanilang ipinatutupad.
Sa ngayon, isa rin sa mga salik ng pagtaas ang mga sakit na nararamdaman ng mga livestocks dulot ng pabago-bagong panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨