Walang paggalaw sa presyo ng karne at isda sa palengke ng Mangaldan ayon sa mga tindera. Nasa 190 pesos per kilo pa rin ang kanilang benta sa karne ng manok.
Ayon sa ilang tindera, tumaas umano ng 7-12 pesos ang kuha nila sa mga binebentang manok ngunit pareho pa rin ang benta nila nito sa kanilang mamimili.
Naglalaro naman mula sa 260 pesos hanggang 320 pesos ang kada kilo ng karne ng baboy.
Sa isda naman, nasa 130 pesos per kilo ang isdang tilapia habang nasa 120 pesos hanggang 150 pesos per kilo naman sa bangus depende sa klase at laki. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments