𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Walang paggalaw hanggang sa kasalukuyan ang presyuhan sa mga produktong karne sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Nasa P340 ang kada kilo ng karneng baboy, nasa P350 naman ang liempo habang depende pa sa ibang parteng bibilhin ang presyuhan nito.

Nananatili rin sa P180 ang per kilo ng manok at walang naging pagbabago sa mga nakalipas na buwan.

Samantala, pagtitiyak naman ng Department of Agriculture na walang magiging paggalaw sa presyo ang ilang poultry products tulad ng itlog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments