𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Wala pa ring pagbaba sa presyo ng karne ng baboy at manok sa mga palengke sa lungsod ng Dagupan. Naglalaro sa P320 hanggang P340 ang kada kilo ng baboy habang nasa P200 na rin ang per kilo ng manok.

Mataas ito ng sampu hanggang bente pesos kumpara sa presyo nito noong mga nakaraang linggo.

Nasa P380 naman ang per kilo ng baka na bahagya lamang ang naging pagtaas sa presyo nito.

Ayon sa ilang meat vendors na nakapanayam ng IFM News Dagupan, inaaasahan nang tataas ang presyo nito sa mga susunod na linggo dahilan na pumasok na ang ber months.

Samantala, bagamat mataas ang presyo sapat naman daw ang suplay ng mga ito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments