Tuesday, January 20, 2026

𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪

Walang paggalaw at nananatili sa kasalukuyang presyo ang mga karne sa mga pamilihan sa Dagupan City.

Ang manok, nasa *₱*180 pa rin ang per kilo, walang pagbabago simula pagpasok ng bagong taon.

Nasa *₱*340 naman ang kada kilo ng karneng baboy sa ngayon bagamat madalas itong magbago at naglalaro sa *₱*320 hanggang *₱*350.

Samantala, sapat ang magiging suplay ng mga nasabing produkto hanggang sa mga susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments