𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Ilang linggo bago ang Disyembre, ramdam na sa palengke ng Lingayen ang pagtaas sa presyo ng karne.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa P190 hanggang P200 ang kada kilo ng manok.

Nasa P330 hanggang P340 naman ang presyuhan sa kada kilo ng baboy habang tumaas na rin ang per kilo ng baka na nasa P420 at ang rib part na nasa P380/kg.

Ayon sa ilang negosyante na nakapanayam ng IFM News Dagupan, nananatiling matatag ang suplay ng produkto hanggang sa pagsapit ng Disyembre..

Samantala, asahan umano ang pagtaas ng presyo nito kasabay ng pagtaas ng demand. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments