𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—žπ—₯𝗨𝗗𝗒, π—£π—’π—¦π—œπ—•π—Ÿπ—˜π—‘π—š 𝗠𝗔𝗬 π—£π—”π—šπ—šπ—”π—Ÿπ—”π—ͺ 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗑𝗒𝗗 𝗑𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π—šπ—šπ—’

Inaasahan sa susunod na linggo ang muling paggalaw sa presyo ng mga produktong langis sa merkado.
Matatandaan na sa kasalukuyan ay epektibo ang nararanasang ikaapat na linggo na rollback sa mga petrolyo.
Sa susunod na linggo, maaaring matapos na ang serye ng tapyas presyo at posibleng magkaroon muli ng oil price hike.

Ayon sa datos ng 4 Day trading, posibleng may pagtaas na nasa 20 hanggang 40 cents sa kada litro ng Diesel habang nasa 35 hanggang 50 cents naman ang maaaring itaas sa kada litro ng Kerosene.
Samantala, isang nakikitang salik sa taas presyo ang pagbabawas sa produksyon ng krudo ng mga kabilang sa Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments