Nag-umpisa na ang pagtaas ng ilang lechon products na ibinebenta ngayong papalapit na ang holiday season.
Ayon kay Jane Dela Cruz, may-ari ng MJ’s Lechon House, stable at solid umano ang bentahan nila ngayong itinuturing nilang peak season, kung saan pumapalo ng 200-250 pcs ng manok ang naibebenta nila bagamat tumataas din ang bentahan nito.
Aniya, tumaas ng trenta pesos ang kuha nila sa manok kaya’t napilitan silang magtaas ng sampung piso lamang upang maging affordable pa rin ito.
Ang presyo ng lechong manok nasa 260 pesos ang isang buo. Samantalang, nag-uumpisa naman sa 14,000 ang isang buong lechong baboy depende sa bigat nito.
Umaasa naman si Dela Cruz na mas lalakas pa ang kanilang bentahan sa paparating na holiday season dahil isa ang lechon sa itinuturing na bida ng mga handaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨