
CAUAYAN CITY โ Bagamaโt may pagtaas sa presyo ng ilang bilihin, nananatiling walang pagbabago sa presyo ng LPG sa lungsod ng Cauayan.
Ayon kay Manuelito Laggui, nagbebenta ng LPG sa lungsod, ang huling pagtaas ng presyo ay noong Nobyembre 18, 2024, kung saan nadagdagan ito ng โฑ10 kada cylinder.
Ang presyo ay nakadepende sa brand katulad ng Regasco na nasa โฑ1,035, Shine Gaz na nasa โฑ795, Multi-Gas na nasa โฑ785, at SPI Gas na nasa โฑ875.
Aniya, lumakas ang bentahan ng LPG noong holiday season kung saan umaabot sa mahigit 200 cylinder ang nabebenta nila kada araw.
Gayunpaman, nalilimitahan ang dami ng kanilang paninda dahil sa kakulangan ng suplay ng LPG sa lungsod.
Facebook Comments