Bahagyang bumaba ang presyo ng produktong manok sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Mula sa P200 hanggang P220 na presyuhan nito ng ilang linggo, ngayon ay naglalaro na ito sa P190 per kilo.
Ayon sa ilang meat vendors, bagamat hindi kalakasan ay naging mabenta pa rin kahit papano ang manok nitong mga nakaraang araw.
Inaasahan na sa pagpasok ng buwan ng Disyembre ay sisipa muli ang presyo nito kasabay ng pagtaas ng demand sa merkado.
Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng baboy at baka na naglalaro sa P320 – P340 at P360 sa kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments