𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝟭𝟬-𝟮𝟬 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Ramdam na sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ang unti-unting pagsipa sa presyo ng karne ng manok ngayong papasok ang Holiday Season.

Sa Dagupan City, tumaas ang presyo nito sa sampung piso hanggang bente pesos ang kada kilo.

Mula sa 180 pesos na kada kilo ng manok makakabili na ng 190 hanggang 200 ang kada kilo.

Tumaas din ng sampung piso ang kada kilo ng baboy sa palengke sa Calasiao. Mula sa 320 pesos na kada kilo nasa 330 na ito.

Ayon sa ilang mamimili, titiisin na lamang ang sampung pisong pagtaas dahil paborito ng kanilang mga anak ang manok.

Ang Ilan, babawasan na lamang ang bibilhin upang kahit papaano ay makatikim pa ang kanilang pamilya ng karne.

Inaasahang tuloy tuloy na ang pagtaas sa presyo ang mga ito sa pagpasok ng Disyembre, ayon sa mga meat vendors sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments