Wala pang paggalaw ang presyo ng ibang mga prutas ngayon ayon sa mga fruit vendors sa Dagupan City kasunod ng pagdiriwang ng pagsalubong ng Bagong Taon.
Naglalaro sa ₱20 hanggang ₱30 ang kada piraso ng mga prutas ng mansanas, peras, ponkan at orange, at lemon.
Depende naman ang presyuhan ng ubas o grapes sa kung seedless ba o hindi ang bibilhin. Kadalasan ay naglalaro ang per kilo nito sa ₱180 hanggang ₱220.
Nauuna rin sa listahan na binibili ngayon ay ang mga hindi pa hinog at maaaring tumagal sa pagtatapos taon hanggang sa unang mga araw ng 2024 tulad ng suha, pakwan, melon, avocado at iba pa.
Samantala, unti-unti na ring dinadagsa ang prutas section sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City at inaasahan na dalawang araw bago ang visperas ng bagong taon ay mas dadami ang dagsa ng mga consumers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨