𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bahagyang bumaba ng nasa lima hanggang sampung piso ang ilan sa mga prutas sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City matapos ang selebrasyon ng holiday season.

Ayon sa mga fruit vendors, bagamat tinangkilik ang mga bilog na prutas para sa New Year Celebration ay hindi naiwasan na marami ang natirang mga produkto.

Kinokonsidera ring salik ang kalidad ng mga prutas kaya naman kaysa hayaang masira ay ibinebenta na lamang ngayon sa mas murang halaga.

Dagdag pa ng mga vendors, pagkatapos muli ng pag-angkat ng makabagong batch ng mga ilalakong prutas ay babalik na sa dating presyuhan ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments