𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗖𝗛𝗘 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗘𝗠𝗦, 𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟯

Wala nang paggalaw sa presyo ng mga basic goods and prime commodities ng Department of Trade and Industry o DTI hanggang matapos ang taon 2023.
Matapos mapakiusapan ng pamunuan ng ahensya ang mga product manufacturers na mangilan-ngilang humihirit sa taas presyo.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, mas mababa ngayon ang average increase ng mga items sa pricing guide dahil nasa limang porsyento lamang kumpara noong nakaraang taon na nasa 11 percent.

Ilang mga consumers sa Dagupan City bagamat mas mataas dati kumpara ngayon ay hindi maikakaila ng mga ito na mahal na za presyo ang mga Noche buena items sa merkado.
Umaasa rin daw ang mga ito na hindi na ito papatungan ng sobra sa mga pamilihan sa pagsasaalang-alang ng iba pang presyo ng iba pang kinakailangang mga bilhin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments