Inaasahan pa ang pagbaba ng presyo ng palay sa mga susunod na araw kasama na sa Lalawigan ng Pangasinan.
Ito mismo ang kinumpirma sa IFM Dagupan ni Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So.
Ayon Kay Engr So, yung mga dating Palay na nasa ₱31 pesos ay nakitaan na ng pagbaba kung saan ay nasa ₱29 pesos na lang ito ngayon.
Dahil dito aniya ay inaasahang papalo ang presyo ng Bigas mula ₱48 hanggang ₱52 pesos per kilo ng mga well milled rice.
Pagsapit aniya ng March 15 ay inaasahan pang bababa ang presyo ng Bigas dahil ito na ang kasagsagan ng pag-aani ng mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments