𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔

Patuloy ang pagbagsak ng presyo ng produktong bangus sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan, ilang araw matapos ang selebrasyon ng Bangus Festival.

Ang presyo, naglalaro mula PHP 90 – PHP 110 kada kilo mula sa presyo nito noong nakaraang linggo na PHP140 – PHP 150.

Ayon sa ilang mga fishery experts, ito ay dahil sa mataas na suplay ngayon. Sa kabilang banda, siniguro kamakailan ng alkalde nananatiling matatag ang produksyon nito.

Samantala, patuloy na nangangamba ngayon ang ilang mga bangus growers sa lungsod dahil sa maliliit na sizes ng kanilang mga nahaharvest.

Ayon sa kanila, mula sa inaasahang 10-13 inches ay nasa 6-7 inches lamang ang mga ito. Kaya naman, sila ay gumagawa ng paraan upang makabawi sa bahagyang pagkalugi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments