Nananatiling mataas ang presyuhan ng ilang prutas sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ilang linggo bago ang paparating holiday season.
Ayon sa ilang fruit vendors sa lalawigan, kung kada kahon ang kuhaan, mula sa P1, 050, nadagdagan ito ng nasa hanggang P200 hanggang P300 pa.
Anila, nakaaapekto ang nagdaang mga bagyo sa produksyon ng mga prutas ngayon kung kaya’t nagkaroon na ng pagtaas.
Inaasahan naman na sa ikatlong linggo pa ng Disyembre magsisimulang tangkilikin ang mga prutas lalo na ang mga bilog na prutas kasunod ng pagdiriwang sa Bagong Taon.
Sa ngayon, nananatiling matumal pa umano ang bentahan ng prutas sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments