𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗧𝗢, 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗥𝗔𝗪 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟𝗦

Maaring tumaas ang bentahan ng puto sa bayan ng Calasiao sa pagsapit ng disyembre, ayon sa ilang tindera.

Anila, kapag nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang ginagamit na raw materials sa paggawa ng puto gaya ng asukal at malagkit mapipilitan silang magtaas ng presyo upang hindi malugi.

Umaasa ang mga ito na huwag magkaroon ng paggalaw hanggang sa pagtatapos ng taon upang lumakas ang kanilang kita lalo na sa holiday season.

Sa ngayon,balik normal ang bentahan ng puto sa bayan ng Calasiao makalipas ang nagdaang undas.

Ayon sa ilang tindera, malakas at mabilis na naubos ang kanilang mga paninda noong araw ng linggo kung kailan nagsiuwian ang mga bumisita sa Pangasinan.

Gayunpaman, wala namang pagbabago sa presyo ng puto, ang plain at kutsinta nasa 110 pesos ang kada kilo samantalang ang mga nay cheese ay nasa 130 pesos.

Samantala, umaasa rin ang ilang tindera sa bayan na mas lalakas pa ang bentahan sa papalapit na Puto festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments