𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡

Kaunti pa lang ang namimili ng school supplies sa Dagupan City tatlong linggo bago ang pagbabalik eskwela.

Sa isinagawang pag-iikot ng IFM Dagupan sa mga pamilihan ng lungsod, walang paggalaw sa presyo ng school supplies dito ang notebooks na nagkakahalaga ng P11.00 – P52.00, writing pad paper na may 80 leaves na nagkakahalaga ng P21.00 – P61.00, lapis na may presyong P11.00 – P17.00 kada piraso, ballpen na nagkakahalaga ng P3.00 – P21.00 kada pirason, krayola na nasa P12.00 – P114.00 per kahon, pambura na nagkakahalaga ng P4.50 – P20.00 per piraso at pangtasar naman na nasa P15.00 – P69.00 per piraso.

Inilabas na rin ng Department of Trade and Industry ang price guide ng school supplies na magsisilbing guide para sa mga konsyumer sa pamimili ng school supplies.

Ayon sa DTI Pangasinan may ilang school supplies ang nagtaas ng presyo dahil sa na rin sa taas presyo ng gasolina.

Hinimok ng ahensya ang publiko na maaga nang bumili ng school supplies upang makaiwas sa dagsa ng tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments