𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗕𝗨𝗬𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔

Inaasahan na simula ngayong buwan ng Pebrero hanggang sa mga susunod na buwan ay mas bababa pa ang presyuhan sa produktong sibuyas.

Bunsod ito ng nalalapit na peak harvest sa buwan ng Marso hanggang Abril, bagamat ngayon pa lamang ay bagsak presyo na ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Naglalaro sa *₱*20 to *₱*70 ang kada kilo ng parehong pula at puting sibuyas, malayo sa presyuhan nitong nasa halos *₱*200 noon sa kada kilo.

Samantala, ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA) Region 1, nasa 40% ang naitalang pagbaba sa presyo ng sibuyas ngayon at inaasahang bababa pa ang farm gate price ng nasabing produkto pagpatak ng peak season ng pag-aani nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments