𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗘𝗗 𝗥𝗜𝗖𝗘, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝟰𝟴

Nilinaw ng Department of Agriculture o DA na hindi dapat humigit sa P48 ang presyo sa kada kilo ng locally milled rice kasunod ng nagbabadyang pagtaas umano sa presyo nito dahil sa ilang salik.
Matatandaan na isa sa kinokonsiderang dahilan ng posibleng pagsipa sa presyuhan sa bigas ay ang mahinang suplay nito kahit pa nasa panahon ngayon ng harvest season.
Isa pa sa nakikitang salik ay ang farm gate price ng ilang farm inputs tulad ng palay pagdating sa presyuhan nito.

Bagamat ganito ay hindi dapat tumaas sa 48 pesos ang kada kilo ng mga locally milled rice sa merkado.
Sa ilang pamilihan sa Dagupan City, naglalaro rin sa dos hanggang tres pesos ang itinaas ng kada kilo ng mga regular milled rice habang mayroon ding 45 hanggang 46 pesos bagamat hindi kagandahan ang kalidad nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments