𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔

Nagkaroon ng bahagyang paggalaw sa mga presyo ng ilang produktong karne sa Dagupan City kasunod ng pagdaraos ng Semana Santa.

Ang karneng baboy, tumaas ng nasa sampung piso ang kada kilo, ang dating ₱340, nasa ₱350 na, bagamat nananatili sa ₱360 hanggang ₱370 ang ibang mabibiling parte nito tulad ng liempo at kasim.

Ang manok, walang pagbabago sa presyo at nananatili sa P180 per kilo.

Mangilan-ngilan lamang meat vendors ang nagbenta kahapon, sa pagtatapos ng Kuwaresma at inaasahan na babalik ang mga ito sa regular na pagbebenta ngayong araw.

Samantala, sapat umano ang produksyon ng meat products at hindi nakikitaan ng kakulangan sa susunod na mga araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments