
Cauayan City — Isasagawa ng Office of the Provincial Agriculturist ang pre-screening para sa mga magsasakang Isabelino na nagnanais magtrabaho sa South Korea sa ika-8 ng Enero 2026, alas-8 ng umaga, sa Food Court ng Isabela Provincial Capitol.
Bukas ang aktibidad para sa mga magsasakang edad 25 hanggang 45 taong gulang na may mga dependents at itinuturing na physically fit, malusog, at handang magtrabaho.
Layunin ng pre-screening na matukoy ang mga kwalipikadong aplikante para sa posibleng employment opportunities sa sektor ng agrikultura sa South Korea.
Kinakailangang magdala ang mga aplikante ng pasaporte at isang valid identification card para sa beripikasyon.
Pinapayuhan ang mga interesadong magsasaka na dumating nang maaga at basahin ang inilabas na poster para sa kumpletong detalye ng aplikasyon.
Source: ISABELA PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










