Nagpapatuloy ang implementasyon ng price freeze o walang paggalaw sa presyuhan ng ilang mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) sa lalawigan ng La Union kasunod ng pagdeklara ng State of Calamity dito bunsod ng nagdaang Bagyong Carina.
Saklaw ng naturang price freeze ang ilan pang mga produktong gaya ng gamot, basic processed products, agricultural products, livestocks maging fish products na epektibo hanggang sa September 28, 2024.
Kabilang sa isinagawang mga hakbang ng Department of Trade and Industry ang Diskwento Caravan at Operation Timbang upang maipabatid ang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Tiniyak ng DTI na patuloy ang ginagawang monitoring ng mga kawani ng ahensya upang matiyak na nananatili sa presyo at walang mangyayaring pagtaas sa ilang tukoy na mga produkto.
Samantala, nananatili ring sapat naman ang suplay ng mga pangunahing produkto sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨