𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗙𝗥𝗘𝗘𝗭𝗘 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗠𝗢𝗧 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟

Nanatiling naka price freeze ang doxycycline na madalas pangontra sa sakit na leptospirosis ayon sa Department of Health (DOH) Region 1.

Ang abiso ay kasabay na rin ng pagpapaalala sa publiko upang makaiwas sa sakit na madalas na nagiging dahilan ang paglusong sa baha. Ang naturang gamot ay kabilang sa essential items na isinailalim sa price freeze ng Department of Trade and Industry (DTI) noon pang kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Carina sa bansa.

Magtatagal ang kautusan hanggang sa ika -23 ng Setyembre ilang lugar sa bansa kasama na ang Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments