𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗬𝗖𝗛𝗢𝗟𝗢𝗚𝗜𝗦𝗧

Iginiit ng isang psychologist na hindi na kinakailangang ipaalam pa sa social media ang anumang away pamilya, kasunod ito ng usap-usapang isyu ngayon nina Gold Medalists Carlos Yulo at ng kanyang ina.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Wundt Psychological Institute Director Dr. Nhorly Domenden, ang mga nangyayaring hindi pagkakaunawaan o hidwaan sa pamilya ay nararapat na masolusyunan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya lamang.

Aniya, sa kaso ng mag-ina, kinakailangang mag-usap ang mga ito nang personal dahil maaaring makaapekto ang unresolved conflicts sa mental health ng dalawang panig.

Samantala, ipinakiusap din nito sa mga netizens ang pagbibigay komento sa naturang isyu na huwag nang dumagdag pa lalo na kung hindi naman sila nakatutulong upang masolusyunan ang problema. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments