𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Tumaas ng dalawang porsyento ang produksyon ng bigas sa La Union sa ikalawang kwarter ng taon ayon sa Quarterly Rice and Corn Production Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority La Union Provincial Statistical Office.

Sa kasalukuyan, nasa 9,825 metriko tonelada ng bigas ang naani na mas mataas kung ihahambing sa naging resulta noong nakaraang taon sa parehong panahon na nasa 9,633.89 metriko tonelada.

Samantala, bumaba naman ang naitalang produksyon ng mais sa ikalawang kwarter ng 2024 na nasa 11,808.50 metriko tonelada mula sa 11,983.60 metriko tonelada noong nakaraang taon.

Isinasagawa ang naturang production survey upang malaman ang kabuuang input sa produksyon ng bigas at mais upang makapagbigay ng kaukulang tulong sa mga magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments