Inilalapit ngayon ng Department of Health Ilocos Region ang programang pangkalusugan sa mga komunidad sa pamamagitan ng Purokalusugan.
Isa sa tinututukan ngayon ng ahensya sa naturang programa ang pagbabakuna o ang routine immunization lalo na sa mga bata maging sa mga kabilang sa vulnerable sector tulad ng buntis at senior citizens.
Binigyang diin ang kahalagahan ng bakuna sa mga bata partikular ang pagkakaroon ng mga vaccine-preventable diseases upang matiyak na maiwasan sa kanilang paglaki ang mgaibat-ibang uri ng sakit. Samantala, saklaw din ng programa ang ilan pang mga serbisyong medikal na maaaring mapakinabangan ng mga residente tulad ng check up sa mga buntis, nutrition at family planning services, at ang health education. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments