𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗𝗔

Kabilang sa pilot testing ng Strengthening Opportunities for Lone Parents or Program SOLO ng DSWD ang nasa tatlumpung solo parents sa bayan ng Anda.

Ang mga benepisyaryo ng naturang programa ay mga solo parents na kabilang sa kategorya na nakasaad sa RA 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act tulad ng mga nasa edad 22 years old pababa may dalawa o tatlong anak at walang trabaho.

Ayon kay DSWD Field Director Marcelo Nicomedes Castillo bukod sa tulong pinansyal ay magbibigay din sila ng psychosocial intervention sa bawat benepisyaryo.

Magaganap ang pilot testing ng SOLo program mula Pebrero hanggang Marso ngayong taon. Ang feedback at assessment sa pilot period ay gagamitin upang mas mapaganda ang pagpapatupad ng programa sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments