𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗔𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗦𝗠𝗘𝘀 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Naghahanda na ang Micro Small and Medium Enterprises sa probinsiya ng Pangasinan na sasabak sa Manila Fame 2024 sa darating na Oktubre.

Dahil dito, inilunsad ang proyektong “PROJECT ABOUND”, para sa product development activity ng mga MSMEs ng Pangasinan.

Layunin ng programa na mapalawak ang kanilang ideya sa paggawa ng produkto ng Pangasinan.

Kabilang din dito ang pagsisiguro ng kalidad ng mga lalabas at ipapakilalang produkto tulad ng mga bags, wooden handicrafts, wooden home displays at iba pa.

Ayon kay Precious Cayaon, owner ng Olly Fely Buri Handicrafts, malaking tulong sakanila ang naturang proyekto sapagkat nais niyang maiexport ang kanilang produkto sa ibang bansa.

Hinikayat naman ng Provincial Government ng Pangasinan ang publiko na suportahan ang mga produkto na MSMEs na sasabak sa ibat-ibang trade shows. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments