Cauayan City – Inilunsad na ng kapulisan ng Isabela ang Project LABB o ang ‘Law Enforcement, Anti-Illegal Drugs and Criminality, Bureau of Transformation, and Building Community Relations’ sa pamamagitan ng iRun for LABB: Fun Run for a Cause, nito lamang ika-24 ng Pebrero na ginanap sa IPPO Grandstand, Brgy. Baligatan City of Ilagan Isabela.
Pinangunahan ni Police Colonel Lee Allen Bauding, Provincial Director ang naturang programa.
Tampok sa naturang programa ang Zumba Dance, 3-Kilometer Fun Run, Unveiling ng Project LABB Signage at KKDAT-Isabela Logo.
Nakatanggap rin ang tatlong unang finisher ng mga certificates of recognition at cash prizes , nagawaran rin ang pinakamatanda at pinakabata na kalahok sa nasabing fun run.
Ginawaran din ng parangal ang tatlong KKDAT Chapter na nagwagi sa KKDAT Logo Making Contest kung saan nanguna ang Delfin Albano bilang 1st place, habang pumangalawa naman ang Cauayan City at nakuha ang 2nd place, at pumangatlo naman ang Tumauini KKDAT Chapter at naiuwi ang 3rd place.
Layunin ng nasabing proyekto na ipakita ang pagnanais ng buong kapulisan ng Isabela na mas paigtingin ang pagsugpo sa kriminalidad, at illegal na droga sa pamamagitan nang mas pinaganda at pinatibay na ugnayan ng pulisya at komunidad para sa ikabubuti at ikauunlad ng lahat.