𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗟𝗨𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗔

Ilulunsad na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang ‘PROJECT LIGHTNING’, na may layuning makabitan ang mga piling lugar sa lungsod ng libreng wifi at magkaroon ng mabilis na internet access.

Ayon sa naging pagpupulong ng lokal na pamahalaan kasama ang mga key persons sa naturang proyekto, magiging posible na ang pagsasagawa ng naturang proyektong ito.

Base sa kanilang pahayag, labing-anim na lugar na ang kanilang tinukoy upang magkaroon ng libre at wireless na inter access. Anila, na sa pamamagitan lamang ng single log on system, magkakaroon na diumano ng 50% na mas mabilis na access sa internet ang mga mabebenipisyuhan nito.

Inaasahan din ng lokal na pamahalaan na magagamit ito para sa mas mabilis na emergency response at peace and order management sa kanilang mga tanggapan.

Samantala, ang proyektong ito ay parte ng layunin na maging Digital City ang nasabing lungsod sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments