Patuloy na isinusulong sa mga barangay sa lalawigan ang Project P.A.R.A.A.N o isang Risk Assessment and Preparedness Project ng provincial government para sa pagbibigay ng kaalaman sa publiko.
Patuloy ang pagsasagawa ng Project P.A.R.A.A.N sa mga barangay tulad sa Brgy. Sabangan, Binmaley at naging kaagapay rin dito ang Binmaley MDRRMO at BHWs sa nasabing lugar.
Ang Project P.A.R.A.A.N ay isang proyekto kung saan naglalayon na mapanatili ang kaligtasan ng publiko at panlaban sa mga kalamidad na posibleng maranasan tulad ng baha, pagguho ng lupa, storm surge, lindol, at tsunami.
Samantala, unang inilunsad ang naturang proyekto sa Brgy. Sabangan, Lingayen bilang pilot barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments