𝗣𝗥𝗢𝗠𝗢𝗗𝗜𝗦𝗘𝗥 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗜𝗡𝗢𝗠 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Patay ang isang promodiser matapos salpukin ng isang tricycle driver ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Romulo Highway Brgy. Poblacion, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Erwin Aquino, 43 anyos, habang ang driver ng tricycle naman ay si Algemn Lopez, 32 anyos, parehong residente sa nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, naganap ang insidente 2:55 ng madaling araw kung saan mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver ng tricycle kung kaya’t nagkasalubong ito at nagsalpukan.

Nalaglag ang biktima sa kaniyang motorsiklo kmat nagtamo ng matinding sugat sa ulo. Ang nakabanggang driver, nahulog din at humandusay sa kalsada. Parehong isinugod sa hospital ang rider at driver ngunit idineklarang dead on arrival si Aquino habang nagpapagaling naman sa ospital si Lopez. Positibo sa alcohol breath test ang driver ng tricycle. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments