Tinalakay sa naganap na pagpupulong ng Mangaldan Disaster Risk Reduction and Management Council ang 23.1 milyon na proposed budget ng kanilang tanggapan para sa taong 2025.
Ayon kay Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) IV Rodolfo Corla, pitumpong porsyento ng pondo ay gagamitin sa Preparedness, Prevention and Mitigation habang ang tatlumpong porsyento naman ng natitirang pondo ay ilalaan sa response, rehabilitation and recovery.
Ayon sa LGU, ang budget ay layuning magkaroon nang maayos at epektibong pagsasagawa ng mga calamity response at rescue operations.
Samantala, bukod sa MDRRMC, dumalo din sa pulong ang hanay ng BFP, opisyal mula sa Liga ng mga Barangay (LnB), Sangguniang Bayan, Municipal Health Office, representatives mula sa Mangaldan district schools at iba pang organisasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨