𝗣𝗥𝗢𝗦𝗘𝗦𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗣𝗧𝗔

Dapat na tingnan din ang paraan ng pagha-hire sa mga gurong nagtatrabaho sa ilalim ng Department of Education ayon sa National Parent Teacher Association.

Ayon kay NPTA Executive Vice President Lito Senieto, may mga dapat na iprayoridad pagdating sa pagtanggap ng mga gurong magtuturo sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Dagdag nito, dapat rin umanong tignan ng kagawaran kung paano ang paraan ng pag-hire sa mga guro dahil dito makikita ang kalidad ng isang guro sa pagtuturo para pumasok sa DEPED.

Sa ngayon, inaasahan ng naturang grupo na kung sakaling tatanggapin na ni Senator Angara ang kanyang appointment ay mapapakinggan ang lahat ng ilalatag na kahilingan ng lahat ng nasa sektor ng edukasyon upang maging ito’y kanyang maging panuntunan bago umupo bilang defense secretary. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments