𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗘-𝗪𝗜𝗗𝗘 𝗝𝗢𝗕 𝗙𝗔𝗜𝗥, 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗧𝗜 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟


Cauayan City — Inihahanda ng Provincial Employment Services Office (PESO) Isabela ang isang province-wide Job Fair sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026 sa January 20, 2026, mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa Ground Floor, Queen Isabela Park, Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan.

Ayon sa PESO, layunin ng naturang aktibidad na magbigay ng direktang oportunidad sa mga job seekers at mapalakas ang koneksyon sa pagitan ng mga aplikante at employer sa lalawigan.

Hinihikayat ang mga aplikante na magdala ng updated resumé, kopya ng diploma, at iba pang kaukulang dokumento.

Samantala, ang mga employer na nagnanais lumahok ay dapat magsumite ng Letter of Intent, listahan ng bakanteng posisyon, job poster, at Mayor’s Permit sa email na pesoisabelaemploymentunit@gmail.com o pesoprovinceofisabela1@gmail.com, o makipag-ugnayan sa numerong 0926-557-1804.

Ang PESO Isabela ay nagpapaalala na ang mga job vacancies ay ilalathala bago ang aktibidad.

Source: PESO ISABELA

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments