𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗜𝗧𝗨𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang Provincial Learning and Development Institute na naglalayong makapaghatid ng pagsasanay sa mga kawani national and local government maging mga korporasyon sa pamamagitan ng mga epektibong programa.

Nakasaad sa Provincial Ordinance No. 315 Series of 2024 ang pagtatatag ng institusyon at nahahati sa apat na pangkat. Ito ang Finance and Administrative Services, Sales and Marketing Services, Training and Development Services at Audit and Evaluation Services.

Kasabay ng paglulunsad nito ay ang panunumpa rin ng mga miyembro sa katungkulan. Gumaganap na Chairperson si Pangasinan Governor Ramon Guico III at Vice Chairperson naman si Vice Governor Mark Ronald Lambino. Kabilang sa mga miyembro ang may akda ng ordinansa na si Board Member Jerry Agerico Rosario kasama sina Provincial Administrator Melicio Patague II at HRDMO Head Janette Asis. Tumatayong Operations Manager naman si Dr. Marie Lynn Fama. Katuwang din sa nasabing organisasyon ang pamunuan ng mga ospital sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments