Nakatakdang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development ang proyektong GK3K o “Gatasang Kalabaw Kontra Kagutuman at Kahirapan” sa Brgy. San Andres, Balungao.
Ayon sa DSWD Region 1, ang programang ito ay ang pinakamalaking Program Convergence Budgeting -Zero Hunger sapagkat abot walong milyong piso ang total project cost.
Sa unang taon, nakapokus sa carabao breeding at milk production ang programa. Sunod ang processing ng gatas, katad at karne ng kalabaw. Dahil dito ay naglaan ang lokal na pamahalaan ng Balungao ng sampung ektaryang lupa sa pangangalaga at proseso na laan sa kalabaw maging ang vegetable production.
Sa pamamagitan ng GK3K Project, layunin ng gobyerno na mapagaan ang suliranin sa gutom at kahirapan maging palakasin ang mga komunidad na magbigay kabuhayan para sa lahat ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨