𝗣𝗥𝗢𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗜𝗡𝗔

Nanatili pa rin sa full alert status ang Police Regional Office 1 kasunod ng nararanasang sama ng panahon sa rehiyon.

Ayon sa PRO1, nasa 539 na pulis mula sa Regional Reactionary Standby Support Force ang idinagdag sa 72 personnel upang i-deploy sa mga apektadong lugar dulot ng habagat na mas pinalakas ng super typhoon Carina.

Inihanda rin ng ahensya ang mga kagamitan na maaring makatulong sa rescue operation. Nagtalaga rin ang PRO1 ng mga pulis sa mga evacuation areas upang mapanatili ang peace and order. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments