Nasa heightened security alert ngayon ang Police Regional Office 1 bilang paghahanda sa banta ng Bagyong Nika.
Pinagana ng pulisya ang Disaster Incident Management Task Group o DIMTG upang makapaghanda sa disaster preparedness and operations.
Nagtalaga rin ito ng 442 na personnel bilang Regional Reactionary Standby Support force na tututok kung kinakailangan ng search and rescue teams.
Inatasan na rin ang mga local police stations na makipag ugnayan sa mga LGUs, MDRRMOs at ibang pang ahensya para sa posibleng evacuation.
Hinihikayat ng mga ito publiko na agad na makipag ugnayan sa pinakamalapit na pulisya kung kinakailangan ng agarang tulong.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments