Friday, February 20, 2026

โ€Ž๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐Ÿฎ, ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—”๐—ก๐—— ๐—›๐—จ๐—• ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฉ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ญ๐—–๐—”๐—ฌ๐—”

โ€Ž
โ€ŽCauayan City – Pinasinayaan ng Police Regional Office 2 sa pangunguna ni Police Brigadier Antonio Marallag Jr. ang bagong Provincial Tactical Operations Center ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa Camp Major Saturnino L. Dumlao sa Bayombong.
โ€Ž
โ€ŽSa kanyang mensahe, iginiit ni Marallag ang kahalagahan ng integridad at pagsunod sa โ€œNo Take Policy,โ€ at hinikayat ang mga pulis na panatilihin ang mataas na antas ng serbisyo para sa kaligtasan ng mga Novo Vizcayano.
โ€Ž
โ€ŽMagsisilbing namang command center ang pasilidad para sa mas mabilis na koordinasyon, komunikasyon, at pagtugon sa mga insidente sa lalawigan na layong palakasin ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
โ€Ž
โ€ŽDumalo rin sa seremonya sina Vice Governor Eufemia A. Dacayo at mga miyembro ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development, na nagpahayag ng suporta sa inisyatiba.
โ€Ž
โ€ŽSource: PRO 2
Photo: Nueva Vizcaya Police Provincial Office

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments