𝗣𝗥𝗢𝟮, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗔𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢

Cauayan City – Nagpaalala ang Police Regional Office 2 (PRO2) sa publiko hinggil sa mga mahahalagang hakbang na dapat sundin ng mga motorista upang makaiwas sa aksidente sa kalsada.

Ayon sa PRO2, mahalagang tiyakin muna ng mga driver na nasa maayos na kondisyon ang kanilang sasakyan bago ito gamitin upang maiwasan ang aberya o disgrasya habang nasa biyahe.

Mariin ding ipinagbabawal ang pagmamaneho kung nakainom ng alak o inaantok, dahil ito ay maaaring magdulot ng seryosong panganib hindi lamang sa nagmamaneho kundi pati na rin sa ibang gumagamit ng kalsada.

Pinapaalalahanan din ang mga motorista na iwasan ang paggamit ng cellphone, kabilang ang pagte-text habang nagmamaneho upang manatiling nakatuon sa kalsada.

Dagdag pa rito, hinihikayat ang lahat na laging magsuot ng seatbelt at sumunod sa mga umiiral na batas-trapiko.

Binigyang-diin din ng PRO2 ang kahalagahan ng pagiging mapagbigay sa ibang sasakyan at sa mga pedestrian na tumatawid sa lansangan bilang bahagi ng disiplina at malasakit sa kapwa.

Patuloy naman ang paalala ng kapulisan na ang pagsunod sa mga simpleng alituntunin sa pagmamaneho ay malaking tulong upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa daan.

Photos for Illustration Only

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments