𝗣𝗥𝗢 𝟭 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗣𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗩𝗔𝗖

Sa naganap na courtesy call ng Pangasinan PNP Press Corps Officers, siniguro ni Regional Director ng PRO 1 PBGEN Lou Evangelista na nakahanda silang magpadala ng karagdagang hanay ng kapulisan kung kinakailangan lalo na at inaasahan ang pagdagsa ng mga bisita sa lalawigan ng Pangasinan.

Pahayag ni PBGEN Evangelista, mangyayaring magpapadala sila ng mga dagdag na personnel kung makiusap si Pangasinan Provincial Director PCOL Jeff Fanged. Sa kaalaman ng kanilang tanggapan, may nakareserbang pwersa pa ang hanay ng kapulisan sa Pangasinan mula sa Regional Mobile Forces Battalion nito na nakatalaga sa Alaminos City at Tayug.

Kaugnay nito, matatandaang nakapagtala ng 8.4 milyong bilang ng turista ang bumisita sa Pangasinan noong 2023 ayon sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office. Ayon kay PTCAO head Maria Luisa Elduayan, inaasahan na aabot sa 10 milyon ang tourist arrivals sa Pangasinan ngayong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments