𝗣𝗥𝗢 𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗝𝗖 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡

Ayon sa Police Regional Office 1, mahalagang matugis ang ilan pang kasamahan ni Pastor Apollo Quiboloy dahil malaki ang maitutulong nito sa paggulong ng kaso laban sa mga pugante.

Matatandaan na nauna nang inihayag ng PRO 1 ang deployment ng 200 personnel sa rehiyon bilang karagdagang pwersa sa umiinit na tensyon sa Davao City habang hinahanap si Pastor Quiboloy.

Hinihikayat naman ng awtoridad ang publiko na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ukol sa impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments