Aminado ang Department of Health ΒΉRegion 1 na hindi umano sapat ang bilang ng mga Psychiatrist sa rehiyon.
Ayon kay DOH Medical Officer IV, Dr. Rheuel Bobis, bagamat kulang ang psychiatrist sa rehiyon mayroon namang itinalagang kawani ang mga Rural Health Unit (RHU) na dudulog sa mga indibidwal na nakakaranas ng mental health problem.
Aniya, pinupunan naman ito ng kagawaran sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga health worker kahit hindi Psychiatrist o Psychologist ngunit may kakayahan na makapag-identify ng mga taong may mental health problem.
Makatutulong ang mga pagsasanay na ito upang maibsan kahit papaano ang kakulangan ng Psychiatrist sa mga RHU at mabigyan ng diagnosis upang masolusyunan ang kalusugang mental.
Patuloy naman na panawagan ng kagawaran ang responsableng pagbibigay ng tamang pagbabalita sa mga usaping suicide.
Ngayong linggo ginugunita ang Mental Health Week sa buong Pilipinas na layuning bigyang diin ang mental health awareness sa trabaho. |πππ’π£ππ¬π¨