𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Magaganap ang isang pagdinig ukol sa Minimum Wage Adjustment sa mga pribadong kompanya at mga kasambahay sa Region 1 sa darating na September 30, 2024 sa Pagdalagan Norte, San Fernando City, La Union.
Pangungunahan ang naturang aktibidad ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board I na may layong mapag-usapan ang mga regulasyong nakapaloob sa wastong pagpapasahod at iba pa.
Maaaring makiiisa ang mga residente sa Rehiyon Uno sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa La Union Public Hearing.

Inaasahan ng mga minimum wage earners ang umento sa sahod, maging ang mas pagbuti ng kalakaran pagdating sa pasweldo at mga benepisyong nararapat para sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments