𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗢𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗠𝗣 𝗜𝗥𝗥𝗜𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nagsagawa ng public scoping sa bayan ng Bayambang sa pangunguna ng National Irrigation System para sa Pump Irrigation Project na nakatakdang isagawa roon.

Dumalo sa public scoping ang mga naimbitahang mga apektadong sektor gaya ng mga residente, mga concerned Punong Barangay at kanilang konseho, farmers’ association, at mga may-ari ng pribadong lupain kung saan isasagawa ang proyekto bilang unang parte ng ng pag proseso sa pagbalangkas ng environmental impact statement.

Naging katuwang naman sa naturang public scoping ang hanay ng Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – Regional Office 1 kung saan tinalakay ang mga environmental at social impact ng naturang proyekto.

Tinalakay rin ang ukol sa panukalang mitigating measure at monitoring implementation nito.

Nagkaroon rin ng open forum matapos ang diskusyon at dininig ang mga mungkahi at masagot ang mga katanungan at concerns ng mga apektadong sektor sa naturang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments