Sunday, February 15, 2026

β€Žπ—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’, π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š π—•π—”π—•π—”π—Ÿπ—” π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—©π—œπ—•π—˜π—₯ 𝗔𝗖𝗖𝗒𝗨𝗑𝗧 𝗑𝗔 π—‘π—”π—šπ—£π—”π—£π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—•π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š β€˜π—₯π—’π——π—œπ—§π—’ π—”π—Ÿπ—•π—”π—‘π—’β€™

β€ŽCauayan City – Naglabas ng scam alert ang mga awtoridad kaugnay ng isang umano’y pekeng Viber account na gumagamit ng pangalang β€œRodito Albano” na may kalakip na Philippine flag emoji, na iniulat na sangkot sa pang-scam sa publiko.
β€Ž
β€ŽBatay sa ulat, ang nasabing mobile number na konektado sa Viber account ay kasalukuyang pinatatakbo umano ng isang scammer.
β€Ž
β€ŽPinayuhan ang publiko na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga mensahe o tawag na nagmumula sa naturang account, lalo na kung ito ay humihingi ng pera, personal na impormasyon, o anumang sensitibong detalye.
β€Ž
β€ŽAyon sa paalala, mahalagang iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na impormasyon sa hindi beripikadong account.
β€Ž
β€ŽBukod pa rito, kaagad na i-report o i-block ang mga kahina-hinalang numero, siguraduhin ring legit ang pagkakakilanlan ng kausap bago makipagtransaksyon.
β€Ž
β€ŽDahil dito hinihikayat ng mga awtoridad ang mga residente na agad na iulat sa kinauukulan ang anumang kahalintulad na insidente upang maiwasan ang pagdami pa ng mabibiktima.
β€Ž
β€ŽPatuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa paggamit ng social media at messaging applications upang hindi mabiktima ng online scams.

πŸ“Έ: ISABELA PIO

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments